Sa panahon ngayon, maraming tao ang naghihirap hindi hamak na kahit na ang mga mayayaman ay nagtitipid nadin. Sa paghahanap ng mga mura at masasarap na pagkain, hindi dapat mawala ang kalinisan nito. Ang Jollibee at Mcdonalds ay isa sa pinakatinatangkilik ng masa, mapa mayaman o mahirap ayon sa pag oobserba ng mga mananaliksik. Ang Jollibee at Mcdonalds ay nagsisiguro ng kalinisan sa abot ng kanilang makakaya, para sa kanilang mamimili. Ang World Health Organization, ay nagsisimula ng mag bigay ng mga limitasyon o kailangang makuha ng isang kainan para mapalinis ang isang palikuran. Ayon sa mga mananaliksik, binisita nila ang ibang kainan tulad ng chowking, merong ding naka paskil ng standards ng kalinisan.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Maraming sakit ang maaaring makuha ng isang indibidwal sa pag gamit ng marumi at nangigitatang palikuran. Marami ang pinipilit ang tiisin na lamang ang tawag ng kalikasan kapag nakikita ang maruming palikuran.
REBYU/PAG-AARAL
Nagsimula ang Jollibee nung nagtayo ng Ice Cream parlor si Tony Tan at ang kanyang pamilya sa Cubao noong 1975. Hanggang sa pag lipas ng panahon, ay naging malago ang kanilang negosyo at marami na ang bumibili ng kanilang pangalan o franchising. Umabot narin ang Jollibee sa ibang bansa tulad ng USA. Samantala, ang Mcdonalds naman ay nagsimula sa ibang bansa. Nagsimula ito kay Mr. Ray Kroc noong binili niya ang isang maliit na burger joint kanila Dick at Mac Mcdonalds noong 1955, At si Mr. George T. Yang ang unang nagpatayo ng Mcdonalds dito sa Pilipinas noong 1981 sa may Morayta, Manila. Hanggang sa ito'y lumago na din.
PANGKALAHATANG LAYUNIN
Inaasam ng mga mananaliksik na mabasa ang kanilang ginawang pananaliksik ng mga tao upang malaman nila kung malinis ba talaga ang mga palikuran ng mga nangungunang fast food chains dito sa Pilipinas. Upang maiwasan din ang pagkalat ng mga sakit tulad ng Urinary Tract Infection dahil sa mga mikrobyong pwedeng makuha sa mga maruruming palikuran.
KAHALAGAHAN
Mapapakinabangan ng mga taong mahilig kumain sa Jollibee at Mcdonald's ang ginawang pananaliksik na ito dahil malalaman nila kung sinusunod nga ba ng mga establisyimentong ito ang mga standards tungkol sa kalinisan ng palikuran. At makaiwas sa mga di inaasahang sakit. upang sa gayon ay mapunan ng Jollibee at Mcdonalds ang pangangailangan ng kanilang mga kostumer tulad ng murang pagkain, maayos na serbisyo at malinis na palikuran.
METODOLOHIYA
Pumunta ang mga mananaliksik sa sampung Jollibee at McDonalds sa kalakhang Maynila at Marikina. Inuna nila ang malapit sa mga unibersidad tulad ng U.S.T. at F.E.U. sapagkat dito madalas na nagpupunta ang mga estudyante tuwing tanghalian. Sa pananaliksik na ito, ginawang aktwal ang pagpunta sa bawat Jollibee at McDonalds para mas maging katiwa-tiwala ang pananaliksik. Kumuha sila ng mga larawan sa bawat palikuran ng mga lalake lamang sapagkat wala silang babaeng miyembro upang kumuha ng mga larawan sa pambabaeng palikuran. Pagkatapos ay pinagkumpara nila kung alin ba ang mas kanais-nais na palikuran, ang sa Jollibee ba o McDonald's.
DELIMITASYON/SAKLAW
Ginawa nila ang pananaliksik na ito sa Metro Manila at Marikina. Una nilang pinuntahan ay ang mga Jollibee at McDo sa gilid ng U.S.T at F.E.U. Sunod nilang pinuntahan ay sa Ortigas, marami din sila nakita doon. Pagkatapos ay sa Cubao, medyo nahirapan sila dahil ang mga Jollibee at Mcdonalds na kanilang nakita sa mga mall doon ay walang mga palikuran. At ang huli ay sa Marikina, doon nakumpleto ang kanilang paghahanap ng mga nasabing establisyimento.
KATAWAN
Ang unang Fast Food Chain sa Pilipinas ay tinatawag na Turo-turo. Ang kanilang mga tinitinda ay lutong pinoy na ulam at kanin. Hanggang sa dumami na ang mga fast food chain sa Pilipinas, tulad na lamang ng Jollibee at Mcdonalds. Mas mainam, nga naman na kumain sa mga fast food chain dahil mabilis mo makukuha ang iyong inorder at mas abot kaya ang presyo. Di tulad sa mga restaurant na may kamahalan ang mga pagkain at matagal ka pang maghihintay upang makakain. Ang Jollibee at Mcdonalds ay ang mga nangungunang fast food chain dito sa Pilipinas. At dahil diyan kailangang masiguro ang kalinisan ng kanilang lugar, hindi lang sa kusina, dapat din pati palikuran. Dapat ay maging malinis at komportable gamitin ang kanilang palikuran sa lahat ng oras. At dahil dyan gumawa ng pananaliksik ang ilang mga estudyante tungkol sa kalinisan ng palikuran ng mga nasabing establisyimento. Nagpunta sila sa sampung Jollibee. At masasabing nakakuha ang Jollibee ng 10/10 na marka ito, dahil sa malinis, mabango at walang kalat na palikuran, Kumpleto din sila sa gamit tulad ng lababo, toilet bowl, salamin at urinal. Samantalang sa sampung Mcdonald's na kanilang pinuntahan ay isang kulang sa linis at hindi kanais nais ang amoy. Dahil na rin ang Mcdonald's na ito ay may kalumaan na din. Ang McDonalds na ito ay matatagpuan sa 857 Aurora Boulevard Corner Malvar Street Cubao, Metro Manila. Ngunit ang ibang Mcdonald's na kanilang napuntahan ay malinis at kanais-nais naman ang palikuran.
Ang mga larawang ito ay kinuha sa palikuran ng Jollibee.






























Ang mga larawang ito ay kinuha sa palikuran ng McDonalds.

































KONLUSYON
Ang kinalabasan ng pananaliksik ay tugma sa kanilang panukalang payahag na Ang Jollibee ay nagbibigay ng mas magandang kalidad ng palikuran kaysa sa McDonalds sa kalakhang Maynila at Marikina. Ayon sa kanilang mga datos na nakalap ang Jollibee ay mas maganda nga ang kalidad ng palikuran kaysa sa McDonald’s. Masasabi rin na mas maganda sa Jollibee sapagkat ang kanilang palikuran ay tatlo, may pang lalake, babae at may kapansanan. Di tulad ng sa McDonald’s na iisa lamang ang palikuran. Naranasan ng mga mananaliksik na maghintay sa pila bago makagamit ng palikuran.
REKOMENDASYON
Ang pananaliksik na ito ay para talaga sa mga mahilig kumain sa Jollibee at McDonald’s. Dahil ang paksa may may kinalaman sa sanitasyon ng mga nasabing food chain. Minumungkahi ng mga mananaliksik na kung gagamit ng palikuran, siguraduhin nilang malinis at maayos ito. At sa resulta ng kanilang pananaliksik lumalabas na mas mabuti na Jollibee ang dapat tangkilikin dahil mas maayos at malinis ang palikuran nito kaysa sa McDonald’s. Ngunit tignan pa din mabuti ang kanilang palikuran dahil hindi naman lahat ng Jollibee ay may katulad na sanitasyon.
PASASALAMAT
Unang-unang pinasasalamatan ng mga mananaliksik ang Diyos na pinakamakapangyarihan sa lahat na nagbigay ng pagkakataon sa lahat upang matikman ang kagandahan ng mundong kaniyang binuo. Kay Ma’am Beverly Siy na ginagawa ang lahat upang mahubog ang kanyang mga estudyante na maging mas mahusay pa at sa pagiging inspirasyon sa paggawa ng pananaliksik na ito. Sa mga Staff at Crew ng Jollibee at McDonald’s dahil hindi nila kami pinagtabuyan. At sa huli, pinasasalamatan ng mga mananaliksik ang Unibersidad ng Santo Tomas.